PBA LEGEND MAY KAKAIBANG SAKIT

Ni ANN ENCARNACION MAYROONG kakaibang sakit ang tinaguriang “Living ­Legend” ng PBA na si Robert Jaworski. Sa pahayag ni Dr. Edwin Bien, isang integrated medicine practitioner, maaaring may ‘high ferritin disorder’ ang ­dating basketball player-coach, na nagpasikat din ng “never-say-die” mantra ng Barangay Ginebra. Inamin ni Bien, ang kanyang obserbasyon ay base lang sa naging pahayag kamakailan ng dati ring basketball player na anak ni Jaworski na si Dodot Jr. “Iron level is high, but at the same time anemic siya,” ang sabi ni Dodot kay Randy ­Caluag ng Manila…

Read More

‘NO VAX’ PINANINDIGAN NI KYRIE

BALITANG NBA Ni VT ROMANO SINAGOT ni Kyrie Irving ang naunang pahayag ng Brooklyn Nets na hindi siya palalaruin hangga’t walang bakuna o habang epektibo ang New York City mandate. Sa kanyang Instagram Live, Miyerkoles (Huwebes sa Manila), pinanindigan ni Irving na hindi siya maaaring diktahan ng sinuman sa dapat gawin o sabihin. Kasabay nito, nilinaw ding hindi siya magreretiro nang dahil lang sa bakuna. “You know, nobody’s gonna hijack my voice. Nobody’s gonna take the power away from me that I have for speaking on these things,” lahad ni…

Read More

TNT muling kakatok sa PBA All-Filipino Cup Championship

WAGI kapwa ang Talk ‘N Text sa San Miguel Beer, 100-90, at Meralco kontra Magnolia Pambansang Manok, 102-98, noong Miyerkoles (Game 5) sa kanilang magkahiwalay na best-of-seven semifinal series ng 2021 PBA Philippine Cup. Parehong impresibo ang naging pagwawagi ng Tropang Giga at Bolts na nasa ilalim kapwa ng MVP Group at ginanap sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga. Muling lumamang ang Katropa ni coach Chot Reyes, 3-2, sa serye nila laban sa Beermen na nag­dala sa prangkisa para sa isang panalo na lamang tungo sa All-Filipino Finals. Lamang pa…

Read More

SMB, MERALCO HIHIRIT NG GAME 7

Ni ANN ENCARNACION MAIBAGAHE na kaya ng TNT at Magnolia ang ika-apat na panalo tungo sa 2021 PBA Philippine Cup Finals, o makapwersa ng decider Game 7 ang kanilang mga karibal na San Miguel at Meralco? Iyan ang malalaman ngayon sa Game 6 sa pagitan ng Tropang Giga at Beermen sa alas-3 ng hapon, at Hotshots at Bolts sa alas-6 ng gabi sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga. Parehong angat ng isang game (3-2) ang TNT kontra SMB, at Magnolia kontra Meralco, at kapwa nangangailangan ng isang panalo na lang…

Read More

All-MVP Group teams, posible sa PH Cup Finals

SA kauna-unahang pagkaka­taon sa magkahiwalay na semifinal best-of-seven series sa pagitan ng Talk ‘N Text at San Miguel, Meralco at Magnolia, matagumpay na nakaiskor ang MVP Group ni Manny V. Pangilinan ng double whammy laban sa mga katunggaling koponan ng RSA Group ni Ramon S. Ang nang talunin kapwa ng Tropang Giga ang Beermen at Bolts ang Hotshots noong Biyernes sa 2021 PBA Philippine Cup. Wagi ang Tropang Giga, 115-98, laban sa Beermen at ang Bolts, 91-86, kontra Hotshots sa tahanan ng All-Filipino semi-bubble sa DHVU Gym sa Bacolor, Pampanga.…

Read More

2021 PBA Philippine Cup Finals MAGNOLIA NAMUMURO

ISANG panalo na lang ang kailangan ng Magnolia patungong 2021 PBA Philippine Cup Finals. Nitong Linggo ay kinubra ng Hotshots ang importanteng ikatlong panalo laban sa Meralco Bolts, 81-69, sa Game 4 ng kanilang best-of-seven semifinal series. Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Hotshots at agad nagpasilab kontra Bolts kung saan ­lumamang sila ng hanggang 22 puntos. Dahil sa laki ng abante ng Magnolia ay hindi na kinaya ng Meralco na makadikit pa at tuluyang nagkolaps sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga. Sinamantala nina Ian Sangalang, Calvin Abueva…

Read More

FRANK, UMUKIT NG NEW PH RECORDS

HINDI man nag-podium ­finish sa 2021 Finlandia Trophy Linggo ng gabi (Manila time), wagi pa rin si Filipino-American figure skater Sofia Frank nang makapagtala ng bagong national records. Ayon sa Philippine ­Skating Union via Facebook, hawak na ni Frank ang record para sa ­country’s best score sa short ­program, free skating at total score. Sa Finlandia Trophy ay um­iskor ang 16-year-old figure skater ng 53.30 sa short program at 94.79 sa free skating event para sa total score 148.09, para tumapos na 18th place. Kaya masayang binati ng PSHU ang…

Read More

PBA IMPORTS BABALIK SA 2nd CONFERENCE

Ni ANN ENCARNACION MULING ibabalik ng Philippine Basketball Association (PBA) ang import-laced conference sa huling bahagi ng taon. Ngunit sinabi ni PBA Commissioner Wilie Marcial, may height limit na hanggang 6-foot-6 lang ang mga import sa second ­conference, na planong simulan sa kalagitnaan ng Nobyembre. Kabilang sa mga nakaraang import na pasok sa height limit sina Justin Brownlee, Allen Durham, Eugene Phelps at KJ McDaniels. Maliban sa height limit, required din na fully vaccinated laban sa COVID-19 ang kukuning import ng 12 member teams ng PBA. Ang Barangay Ginebra ang…

Read More

MARTINEZ SASABAK MULI SA KOMPETISYON

MAKARAAN ang tatlong taong pagliban, balik-kumpetisyon si two-time Winter Olympian Michael Martinez. Nakatakdang lumaban ang Pinoy figure skater sa 2021 Finlandia ­Trophy sa Espoo, Finland na ­gaganapin sa Oktubre 8-10. “Comeback ­competition – Let’s go!” post ng 24-anyos na si Martinez sa kanyang Facebook page kung saan ipinakita pa niya ang competition ID. Huling sumabak si ­Martinez noong 2018 Winter Olympics sa ­Pyeongchang, South Korea kung saan siya tumapos sa 28th place sa men’s short program. Target sana niya na mag-qualify sa 2022 Beijing Winter Olympics, ngunit hindi siya nakasama…

Read More