NASA Batangas na para sa kanilang bubble training si Janine Pontejos at ang Gilas Pilipinas Women. Maghahanda ang women’s national squad para sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup na gaganapin sa Amman, Jordan mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3. Kahanay ang Gilas Women sa Group B kasama ang China, Australia at Chinese Taipei. Lunes nang dumating sa Jet Hotel sa Lipa City ang national women team na kinabibilangan nina 2019 Southeast Asian Games gold medalists Pontejos, Afril Bernardino, Clare Castro, Chuck Cabinbin, Khate Castillo, Ria Nabalan, Mar Prado at Andrea…
Read MoreCategory: SPORTS
BATANG PIER SABAK AGAD SA 3 GAMES
MAKAPAGLALARO na muli ang NorthPort Batang Pier sa 2021 PBA Philippine Cup ngayong linggo sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga. Hindi agad nasalang ang NorthPort sa unang linggo ng pagpapatuloy ng elimination round sa Bacolor dahil sa health and safety protocols. Ngunit wala pa rin games schedule ang San Miguel Beer at Alaska Aces, na nakansela ang nakatakdang paghaharap noong weekend. Mayroong tatlong games ang NorthPort sa limang araw na iskedyul ng liga ngayong linggo. Sisimulan ito ng laro ng Batang Pier kontra Blackwater sa Huwebes,…
Read MoreBIANCA BUSTAMANTE PAPAANDAR SA FIA GIRLS ON TRACK SHOOT-OUT
KABILANG ang Pilipinang si Bianca Bustamante sa mga napiling magpartisipa sa FIA Girls on Track – Rising Stars Youth Scholarship Shoot-Out 2021. Mula sa 70 aplikasyon sa buong mundo, isa ang 16-anyos na Pinay sa 14 lang na napasama sa shoot-out. Ito ang masayang ibinalita ng dating Kart racer at estudyante ng Assumption College sa kanyang pagbisita sa tuwing Martes na Philippine Sportswriters Association (PSA) fourm. “It definitely means a lot to me. Just being chosen to be part of the shoot-out is already an achievement for me,” wika ng…
Read MoreNBL/WNBL TULOY SA PAMPANGA
Ni ANN ENCARNACION GAYA ng PBA, itutuloy ang naunsiyaming 2021 WNBL/NBL sa Pampanga. Sa Setyembre 11 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga ang simula ng pag-resume ng dalawang liga. Unang sasabak sa Pia Cayetano WNBL ang Taguig Lady Generals at Quezon Lady Spartan sa 11:15 ng umaga ng Sabado. Kinabukasan (Linggo) ng 11:15 ng umaga ay maghaharap naman ang Pacific Water Queens at Taguig Lady Generals. Samantala, ang Chooks-to-Go NBL Chairman’s Cup ay may back-to-back triple-header sa weekends. Magsisimula ng Sabado ng 1:15 ng hapon ang…
Read MoreTSUKII SUMUNGKIT NG GINTO SA CAIRO
NAGBULSA ng gintong medalya si Filipino-Japanese Junna Tsukii sa 2021 Karate 1 Premier League World Karate Federation Premier League Champion sa Cairo, Egypt. Tinalo ni Tsukii sa finals ng women’s 50kg Kumite ang homebet na si Rashed Areeg ng Egypt, 2-1. Unang tinalo ng Fil-Jap sa semifinals ang isa pang bet ng host country na si Salama Reem Ahmed, 1-0. Binigo rin ni Tsukii ang iba pang mga nakatapat sa Pool 2 – Match 1 kontra Yorgelis Salazar ng Venezuela (8-8 via superiority at Match 2 laban kay Grujic Aleksandra…
Read MoreGIANNIS LALARO PARA SA GREECE
HINDI nag-qualify ang Greece para makalaro sa ginanap na Tokyo Olympics, matapos nitong matalo sa Czech Republic sa qualifying tournament championship noong Hulyo 4. Hindi nakalaro si Giannis Antetokounmpo sa koponan ng Greece dahil kasalukuyang naghahanda ang Milwaukee Bucks sa NBA Finals noong Olympics. Kaugnay nito, nagpahiwatig ang tinaguriang “The Greek Freak” ng pagnanasang lumaro sa EuroBasket sa Setyembre ng susunod na taon. Bagama’t isang taon pa iyon mula ngayon at marami pang maaaring mangyari na magpapa-bago sa isip ni Antetokounmpo, naniniwala ang marami na seryoso ang player na katawanin…
Read MoreOBIENA SEGUNDA SA POLAND TOURNEY
PUMANGALAWA sa Kamila Skolimowska Memorial-World Athletics Continental Tour Gold sa Poland si Filipino pole vaulter EJ Obiena. Lumundag ang 2020 Tokyo Olympian at world no.5 ng 5.80 meters para sa second place finish, Lunes ng madaling araw (Manila time). Nagtabla sina Obiena at American KC Lightfoot, na nagtala rin ng parehas na marka. Namayagpag sa torneo ang isa pang Amerikano na si Christopher Nilsen na tumalon ng 5.86m. Nitong nakalipas na weekend ay tumapos lang na 10th place ang 25-anyos na Pinoy pole vaulter sa Allianz Memorial Van Damme-Diamond League…
Read MoreFERNANDEZ SWAK SA U.S. OPEN Q’FINALS
UMABANTE sa quarterfinals ng U.S. Open ang Filipino-Canadian netter na si Leylah Fernandez. Matapos maagang pauwiin noong Sabado si reigning champion Naomi Osaka, sunod na biniktima ni Fernandez sa Round of 16 si three-time Grand Slam champion Angelique Kerber ng Germany. Dahil sa panalo, makakaharap sa quarterfinals ng world no. 73 na si Fernandez si fifth seed at Tokyo Olympics bronze medalist Elina Svitolina ng Ukraine. “That’s going to be a very tough match,” pag-amin ni Fernandez na ang ama ay mula Ecuador at ang ina ay isang Filipino-Canadian. “She…
Read More2021 FIBA 3×3 Montreal Masters ROAD TO 2024 PARIS OLYMPICS
GIGIL na makabawi ang Manila Chooks TM sa 2021 FIBA 3×3 Montreal Masters, na tulay tungo sa pinapangarap ng team na 2024 Paris Olympics. Tumulak pa-Canada ang koponan na kinabibilangan nina Mark Yee, Mac Tallo, Zachary Huang, Dennis Santos, at alternate player Chico Lanete nitong Miyerkoles ng hapon matapos magnegatibo sa COVID tests. Kasama ang Manila Chooks TM sa Pool D na kinabibilangan din ng World No. 8 Antwerp ng Belgium at No. 10 Edmonton ng Canada. Nakatakda ang unang game nila sa Antwerp sa Setyembre 5 ganap na 12:45…
Read More