IPINAPAKITA ng Pasko ng Pagkabuhay ang mas malalim na pag-asa, galak, at bagong simula sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni HesuKristo — isang magandang paalala na kahit gaano kahirap ang sitwasyon, nananatiling may pag-asa sa buhay.
Ito ang naging sentro ng pagninilay ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Semana Santa, kung saan ipinaliwanag niya ang mas malalim na kahulugan ng selebrasyon.
“I prefer to say ‘Pasko ng Pagkabuhay’ because when you say ‘Pasko’ in Filipino, it’s really pure joy and celebration,” wika ni Kuya Alan nitong April 5 sa isang Facebook Live.
Ayon sa kanya, ang Pasko ng Pagkabuhay ay mensahe ng pag-asa dahil ipinapaalala nito ang layunin ni Kristo na maibalik tayo sa Diyos at bigyan ng buhay na walang hanggan.
“Christ’s purpose of coming to this world is to reconcile us with God, that through His blood we can be acceptable to the Lord Father, that we may enter His kingdom, and that we may be His ambassadors,” paliwanag niya.
Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang problema, sinabi ni Cayetano na ang Diyos ang nagbibigay sa lahat ng lakas at gabay. Pinapaalala niya na walang problemang walang solusyon.
“The first thing (to do) is not to panic…There is always hope, and there is always a solution to our Lord. No matter how dark it is, no matter what the time is — whether it’s financial, sickness, fighting family, fighting neighbors — all of that has a solution,” aniya.
Hinimok din niya ang lahat na unahin ang Panginoon at magtiwala na tutulungan sila sa kanilang mga pangangailangan.
Ayon sa kanya, ang ganitong pananampalataya ang nagbibigay ng kapayapaan at pag-asa.
“Seek first. This is active. First means inuuna. So if you’re seeking a job, (better) finances, seeking reconciliation with family members, a wife or husband — lahat iyan importante. Pero sabi ni Lord, ‘seek first my kingdom and righteousness’,” udyok niya.
“Remember that you are significant. You’re important sa ating Panginoon… Walang Pasko ng pagkabuhay kung hindi tayo importante sa Panginoon,” dagdag pa niya.
26 