CENTENARIAN SA NAVOTAS TUMANGGAP NG P10-K CASH GIFT

TUMANGGAP ng P10,000 cash na regalo mula sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Navotas ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100th kaarawan kamakailan.

Personal na iniabot ni Congressman John Rey Tiangco ang P10,000 cash na regalo kay Dominga Santiago, kasama ang mga kinatawan ng CSWDO, na sana aniya ay makatulong sa lola at sa pamilya nito.

“Tanging hiling ko sa Poong Maykapal ay panatiliin po kayong malakas at malusog sa darating pang mga araw at mga taon. Mga kapwa kong Navoteño, bigyan natin ng mainit na pagbati ang ating Centenarian celebrant!” ani Cong. JRT.

Aniya, may P100,000 din na matatanggap si Lola Dominga mula sa national government. “Sana all, umabot din ng isang daang taon.

Kaya mag-face mask at mag-social distancing para abutin natin ang edad na iyon”, paalala ng mambabatas.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati si Mayor Toby Tiangco kay Lola Dominga at sinabi nito ang pagbibigay ng cash na regalo sa mga centenarian na mga residente ng lungsod ay nagsimula noong 2014 bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng Navotas.

Bukod dito, makatatanggap din si Lola Dominga ng P500 NavoRegalo na isa sa mga programa ng Navotas para sa mga senior citizen na residente ng lungsod. (FRANCIS SORIANO)

80

Related posts

Leave a Comment