CHINESE, 2 PA TIMBOG SA P20.4-M SHABU

CAVITE – Natimbog ng mga pulis ang tatlong hnihinalang big time drug dealers kabilang ang isang Chinese national, sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang mahigit P20 milyong halaga ng hinihinalang shabu nitong Linggo ng madaling araw sa Brgy. Zapote 3, Bacoor City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Dave”, “Sha” at ang Chinese national na si alyas “Cho”.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:00 kahapon ng madaling araw nang maglatag ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Bacoor Component City Police, Drug Enforcement Unit at PDEA laban sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang tatlong malalaking plastic bag na naglalaman ng mahigit sa 3 kilo ng umano’y shabu na may standard drug price na P20,400,000.

Nakuha rin sa mga suspek ang isang kalibre .45 na baril na kargado ng magazine at bala, isang kalibre .38 na baril na kargado ng bala, isang alien ID na may pangalang “BYEONGJUN CHO”, mga cellphone, isang orange bag na may Chinese character, isang itim na bag at isang Honda Civic 1997 model na may plakang WEW 402.

(SIGFRED ADSUARA)

85

Related posts

Leave a Comment