CLEARING OPERATIONS ‘WAG MAGING ‘NINGAS COGON’

POINT OF VIEW

Pursigido ngayon ang mga tauhan ng Department of Interior and Local Government (DILG)  katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensiya ng gobyerno sa paglilinis sa mga nakahambalang sa mga bangketa  at pampublikong daanan sa Metro Manila upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Ito ay kasunod nang bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DILG ng 60 araw upang tang-galin ang mga nakahambalang sa mga kalsada na lumilikha nang pagsikip ng trapiko sa Metro Manila gaya ng illegal parking, vendors, informal settlers, basketball courts, illegal infrastructures na itinayo sa mga pampublikong daanan.

Nakikita natin na maganda ang resulta dahil talagang mapapansin mo na lumuwag ang daloy ng trapiko sa mga lugar na inalis na ang mga nakahambalang dito na itinayo ng mga pribadong in-dibidwal at ng ilang government agencies.

Isang lugar na madalas na inirereklamo sa masikip na trapiko, itong lugar ng Baclaran lalo na sa harap at paligid ng Redemptorist Church.

Napadaan tayo nitong Huwebes, wala nang makikitang vendors sa paligid at tinanggal na rin ang vendors kaya walang trapik.

In fairness, madalas naman talaga na nagsasagawa ng paglilinis ang clearing team ng MMDA sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila subalit pagtalikod nila ay bumabalik naman ang pasaway na vendors o residente sa kanilang mga maling gawain na talagang nakakapagdulot ng problema sa trapiko.

Kaya ganito ang nangyayari dahil hindi nakikipagtulungan ang mga opisyal ng barangay, sa halip sila pa mismo ang kumokonsinte sa mga maling gawaing ito. Sila ang nakikipagsabwatan sa ille-gal vendors na okupahin ang mga daanan para makapagtinda, kapalit ang ipinapataw na halaga.

Kung kumikilos lang talaga ang mga opisyal sa local government units partikular ang nasa baran-gay hindi natin dadanasin ang problemang ito. Gaya ng illegal dwellers na nagtatayo ng kanilang mga bahay sa gilid ng mga daanan, kung kumikilos ang LGUs na sitahin agad ang mga ito, hindi na sila dadami. Kaso, ang iniisip ng barangay officials ang kanilang pansariling interes at ang boto tuwing eleksyon.

At dahil si Pangulong Duterte na ang nag-utos, umaasa tayo na hindi na magiging ‘ningas cogon’ ang proyektong ito at makikinig na rin ang mga LGUs na bantayan at linisin ang kani-kanilang lugar upang makatulong sila sa paglutas sa lumalalang problema natin sa trapiko  hindi lang sa  Metro  Manila kundi maging sa kalapit na lalawigan o sa buong bansa. (Point of View / NEOLITA R. DE LEON)

 

217

Related posts

Leave a Comment