NAGPULONG ang Commission on Elections, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines kasama ang iba pang ahensya upang talakayin ang preparasyon para sa 2026 BARMM Parliamentary Elections at Sangguniang Kabataan elections.
Pinangunahan ang command conference nina COMELEC Chairman George Erwin Garcia, PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., at AFP Acting Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Arvin Lagamon sa Camp Crame.
Dinaluhan din ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at election stakeholders upang tiyakin ang koordinasyon para sa maayos, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan.
Binigyang-diin ng mga opisyal ang whole-of-government approach sa paghahanda para sa electoral exercises, kabilang ang seguridad, logistics, at voter education.
Ayon kay Nartatez, nananatiling committed ang PNP sa pagtitiyak ng ligtas at maayos na eleksyon sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga partner agencies.
(JESSE RUIZ)
75 