NAMAHAGI ng tulong si Senador Mark Villar sa mga jeepney driver at mangingisda sa Apalit, Pampanga sa ilalim ng MARKalinga Program.
Kabilang sa ipinamahagi ang grocery packs at sako-sakong bigas bilang suporta sa sektor ng transportasyon at pangingisda na apektado ng mataas na presyo ng langis.
Ayon kay Villar, layunin ng programa na matulungan ang mga manggagawa na patuloy na nagsisilbi sa publiko sa kabila ng hirap sa kabuhayan.
Binanggit din ng senador ang epekto ng tumataas na gastusin sa operasyon ng mga mangingisda, na nagdudulot ng pagbawas sa bilang ng pumapalaot at nakaaapekto sa suplay ng isda.
Iginiit niya ang pangangailangan ng tuloy-tuloy na suporta at polisiya upang mapanatili ang food security at matiyak ang patas na presyo sa merkado.
Tiniyak ni Villar ang patuloy na pagsusulong ng mga programang makatutulong sa sektor, kabilang ang mas madaling access sa government assistance at iba pang long-term interventions.
(DANNY BACOLOD)
86 