COVID-19 cases sumirit DAVAO CITY BALIK-GCQ

SIMULA nitong Biyernes, Nobyembre 20, balik sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City hanggang Nobyembre 30, bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang One Hospital Command Center ay itatatag sa lungsod para matiyak ang mahusay na referral system.

Ang mga pribadong ospital ay binigyan ng mandato na dagdagan ang kanilang ward bed occupancy ng 20% hanggang 30%.

“Further, efforts will be made to address the shortage of nurses in health facilities and to provide additional high-oxygen cannula, favipiravir (Avigan), remdesivir, medical equipment, among others,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Ang tinatawag na accommodation establishments ay tutulong din para magsilbing quarantine facilities para sa health workers at magsisilbing isolation ng mga pasyente na may COVID-19.

Ang mga tagapagpatupad naman ng batas ay inatasang tumulong sa pagpapatupad ng granular lockdowns sa apektadong mga komunidad o cluster at kung kinakailangan ay mag-deploy ng personnel sa lungsod.

Itinalaga naman ng COVID-19 Task Force si Melquiades Feliciano, deputy chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa mga lungsod ng Bacolod at Cebu, na tumulong sa mga pagtugon.

Ang lungsod na dati ay nasa ilalim ng modified GCQ, ay nakapagtala ng 5,541 kaso ng COVID-19, sa bilang na ito ay 2,000 ang aktibo. (CHRISTIAN DALE)

351

Related posts

Leave a Comment