ABU SAYYAF KFR MEMBER NABITAG NG PNP-AKG

ISANG miymebro ng Abu Sayyaf Group na kabilang sa kidnap for ransom syndicate, ang nadakip ng mga tauhan ni Brig. General Jonnel C. Estomo, director ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), nitong Biyernes ng umaga sa bayan ng Saluping, sa lalawigan ng Basilan.

Ayon kay Gen. Estomo, bandang alas-4:30 g umaga, sinalakay ng PNP-AKG Mindanao Field Unit, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Clarence C. Gomeyac, ang hinihinalang hideout ni Munijiral Kabule alyas “Arafat Mohammad” at ng iba pang mga miyembro ng ASG-KFRG sa Saluping Island, Tabuan Lasa, lalawigan ng Basilan.

Armado ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Danilo M. Bucoy, Presiding Judge ng RTC Branch 2, 9th Judicial Region, Province of Basilan, sinalakay ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng mga suspek matapos ang ilang araw na surveillance operation.

Ayon kay P/Major Ronald Lumactod, tagapagsalita ng PNP-AKG namataan ang grupo nina Kabule sa coastline ng Saluping Island, na sinasabing naghahanda sa panibagong kidnapping for ransom operation kaya sinalakay nina Col. Gomeyac, kasama ang mga elemento ng Regional Intelligence Unit 9, 5th Special Action Battalion-Special Action Force, Criminal Investigation and Detection Unit 9, Regional Intelligence Division, BAR, PIU BASILAN PPO, Tabuan Lasa MPS at Philippine Coast Guard.

Sinasabing armado ng mataas na kalibre ng baril ang grupo nina Kabule.

Nang matiyempuhan ng mga awtoridad, hindi na nakapanlaban ang suspek na nahulihan ng isang cal. 45 pistol na may magazine at may kargang pitong bala, isang extra magazine na may kargang pitong bala, at isang granada.

Nabatid pa kay Maj. Lumactod, ang suspek na may standing warrant of arrest for kidnapping, ay hardcore member ni Basilan based ASG sub-leader Leader Pasil Bayali.

Sangkot din ito sa pagdukot sa isang Hadja Sadday noong Oktubre 25, 2009 na pinalaya matapos na magbayad ng ransom.

Sinasabing sangkot din ito sa serye ng kidnapping sa buong lalawigan ng Basilan at mga kalapit na island provinces na target ang mayayamang mga negosyante, at sa serye ng gun for hire, robbery extortions at kidnapping activities. (JESSE KABEL)

194

Related posts

Leave a Comment