(NI BERNARD TAGUINOD)
SASALUBONG sa school opening, isang linggo mula ngayon, ang mga dating problema sa mga public schools sa buong bansa tulad ng kakulangan ng silid-aralan at learning materials at mga guro.
Ito ang assessment na ginawa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) matapos matanggap ang mga report mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kung ano ang kanilang kalagayan bago magbukas ang school year 2019-2020.
“We are about to enter yet another school year, but teachers from 15 regions report of the same old problems plaguing their schools,” ani ACT Secretary General Raymond Basilio.
Ayon kay Basilio, sa 15 rehiyon aniya sa bansa, ang kakulangan ng silid-aralan sa halos lahat ng eskuwelahan ang pangunahing problema kaya patuoy ang shifting ng klase kung saan 50 hanggang 70 estuyante ang nagsisiksikan sa isang kuwarto.
Inihalimbawa ng mambabatas ang kaso sa Region 1 at VI kung saan ang mga estudyante ay sa “makeshift classrooms” na gawa sa yero nagkaklase umano ang mga ito.
“In Region V, they hold classes in nipa huts. Those struck by Yolanda in Region VIII have been holding all their classes in plywood classrooms since 2014 with walls that are too short, it hardly touches the uncemented ground. In these settings, the heat is unbearable on sunny days, then they have to deal with leaking roofs when it’s rainy,” report pa ni Basilio.
Maging sa Region VII at Xi aniya ay napipilitang magklase sa loob ng comfort room (CR) na ginawang classroom, hagdanan, covered courts at maging sa ilalim ng puno, dahil sa kakulangan ng silid aralan.
“In Region XIII, every year level has a 1-day holiday every week due to insufficient spaces to hold classes,” ayon pa kay Basilio at kung mayroon man aniya silid-aralan ay parang pugon ang mga ito sa init dahil sa kakulangan ng bentilasyon kaya napipilitan ng mga teachers ng sariling electric fan tulad ng nangyayari aniya sa Region 111 at IX.
Sa Region 1 at IV-A naman aniya ay walang faculty room ang mga guro kaya sa hagdanan nagpapahinga ang mga guro.
“This is the appalling reality at the school level. Their environment is not at all conducive to learning and to productivity. This is the face of yearly budget cuts suffered by teachers and students,”dagdag pa ni Basilio.
228