POSIBLENG nakaambag ang pagkaantala sa procurement ng fire trucks sa pagtaas ng bilang ng mga insidente ng sunog, ayon sa Department of the Interior and Local Government.
Sa datos, umabot sa 170 insidente ng sunog ang naitala mula Marso 21 hanggang Abril 5 ngayong taon, kumpara sa 82 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Inamin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang kanyang isinagawang crackdown sa Bureau of Fire Protection ay nagdulot ng pagkaantala sa procurement process.
Aniya, bahagi ito ng mas malawak na reporma laban sa korupsyon sa loob ng ahensya.
“Napakahirap ng reform agenda dahil maraming naaapektuhan, ngunit kinakailangan ito dahil lumalala na ang korapsyon,” ani Remulla.
Tiniyak naman ng kalihim na maide-deliver sa ngayong taon ang mga bagong fire truck para sa BFP.
(TOTO NABAJA)
126 