DOH NAGBABALA SA PELIGRO NG PAGKAKURYENTE SA BAHA

MULING pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa loob at labas ng kanilang mga tahanan kasunod ng malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng electrocution o pagkakuryente.

Ayon sa DOH, mapanganib ang pagtaas ng tubig-baha at mga basang linya ng kuryente kaya mahalagang sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at unahin ang kaligtasan laban sa mga panganib na dulot ng kuryente.

Hinimok ng ahensya ang publiko na manatiling alerto at tiyaking ligtas ang buong pamilya sa loob at labas ng tahanan sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon.

Samantala, pinatay ng Department of Justice (DOJ) ang linya ng kuryente sa kanilang gusali nitong Lunes ng umaga matapos magkaroon ng malakas na ground fault na dumaloy sa building.

Tiniyak ng DOJ ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado, partikular ang mga construction worker na nagsasagawa ng pagkukumpuni sa ilang bahagi ng gusali.

Maaari rin umanong magdulot ng sunog ang insidente sakaling magkaroon ng short circuit sa mga kawad ng kuryente.

(JULIET PACOT)

57

Related posts

Leave a Comment