NAABOT ng Department of Justice ang target nitong 20% energy savings sa pamamagitan ng work-from-home (WFH) setup at paggamit ng solar panels sa punong tanggapan nito sa Maynila.
Mula Pebrero 26 hanggang Marso 26, bumaba ang konsumo ng kuryente sa 72,000 kWh mula 108,000 kWh, katumbas ng 33% na pagtitipid.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, bahagi ito ng hakbang ng ahensya upang makatipid sa enerhiya sa gitna ng tumataas na presyo ng kuryente dulot ng global oil crisis.
Ipinatupad ang WFH sa ilalim ng Department Circular No. 10 noong Marso 9, 2026, habang naging operational ang solar panels noong Marso 3.
Sinabi ng DOJ na patuloy itong maghahanap ng pangmatagalang solusyon habang tinitiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo publiko.
(JULIET PACOT)
93 