Ang pormal na pagbubukas ng 46th National Conference of Employers (NCE46) na dinaluhan ng 300 business leaders, policymakers, labor representatives, at development partners. Ang conference ay tumalakay sa malalaking hamon sa business industry gaya ng global warming. Nagkaroon din ng trade exhibits bilang bahagi ng 2-araw na okasyon sa Manila Hotel, umaga nang Hulyo 29 at 30. Nasa larawan sina NCE46 Organizing Committee Chairperson Cesar Mario Mamon at maybahay nitong si Ms. Cynthia.
Sa ginanap na 46th National Conference of Employers (NCE46), sabay na ipinagdiwang dito ang ika-50 taon ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na dinaluhan nang umaga ng Hulyo 29 at 30 sa Manila Hotel.
Dito nagtipon-tipon ang business leaders, policymakers, labor representatives, at development partners upang talakayin kung paano maaaring manguna ang employers para harapin ang hamon ng triple transitions – global warming, accelerating technology, at shifting demographic realities.
Ang diskusyon ay sinimulan ni NCE46 Organizing Committee Chairperson na si Cesar Mario Mamon na aniya’y ang triple transitions ay nagpapaiba sa takbo ng ekonomiya at ang mundo ng pagtatrabaho, na may panganib kung babalewalain.
Sa ginanap na 46th National Conference of Employers (NCE46), pinangunahan ni NCE46 Organizing Committee Chairperson Cesar Mario Mamon (dulong kanan) ang paggawad ng Certificate of Appreciation kay Department of Economy, Planning, and Development Secretary Arsenio M. Balisacan. Bahagi rin ng okasyon ang pagdiriwang ng ika-50 taon ng Employers Confederation of the Philippines na ginanap sa Manila Hotel, Hulyo 29, 2025.
“We are a country highly vulnerable to climate change, and our communities are on the frontlines of natural disasters and environmental degradation, as exemplified with the recent weather disturbances. Yet we are also actively building toward a greener economy through renewable energy, climate adaptation, and sustainable infrastructure. The government’s updated climate commitments, proposed Low Carbon Economy Investment Act, and the Asian Development Bank’s $500 million policy-based loan to further help strengthen the Philippines’ efforts to tackle climate change,” pahayag ni Mamon, may-ari ng Enchanted Kingdom.
“These transitions are unfolding differently across Asia and the Pacific, shaped by each country’s unique conditions and capacities. But one thing is certain: employers must lead the way forward. We must not only respond to change, but shape it with innovation, responsibility, and foresight,” dagdag pa niya.
Ang trade exhibit ng Enchanted Kingdom, na pag-aari ni NCE46 Organizing Committee Chairperson Cesar Mario Mamon (dulong kanan)
NCE, may napatutunayan kung bakit nagtatagal
Ang mga pangunahing dahilan ng longevity ng National Conference of Employers (NCE) ay ang hindi natitinag na pangako nito sa pagtugon sa mga lumalakig pangangailangan ng mga employer sa bansa. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang resources, pagpapatibay ng pakikipagtulungan sa industry leaders, at pagtataguyod para sa mga patakarang sumusuporta sa paglago ng negosyo at pag-unlad ng manggagawa, itinatag ng NCE ang sarili bilang isang mahalagang plataporma para sa employers na naglalayong i-navigate ang mga complexities ng modern workplace.
Sa pagtatapos ng NCE46, pinagtibay ng ECOP ang ilang Conference Resolutions na humihiling ng pinag-isang aksyon sa pagitan ng gobyerno, negosyo, at lipunan upang harapin ang masalimuot na green, digital, at social transitions.
Ang Fiesta Pavilion ng Manila Hotel habang sinisimulan ang 2-araw na selebrasyon ng 46th National Conference of Employers kung saan nagtipon-tipon ang 300 business leaders, policymakers, labor representatives, at development partners.
Sa pagpapatibay ng mga resolusyon, ang ECOP at ang mga kalahok sa NCE46 ay nakatuon na:
Ang gobyerno ng Pilipinas at ang mga ahensya nito ay hinihimok na makipagtulungan sa employers, manggagawa, industry associations, at akademya upang bumuo ng epektibong mga patakaran para sa pamamahala ng triple transitions. Ang ECOP, bilang nag-iisang boses ng Pinoy employers, ay tinawag na palalimin ang adbokasiya nito para sa sustainability, responsible business conduct, at inclusive workforce development. Ang ECOP ay nakatuon sa pagbibigay sa mga employer at manggagawa ng mga tool upang umangkop sa klima, teknolohikal, at geopolitical na pagkagambala.
