EX-MAYOR LIM INIHATID NA SA HULING HANTUNGAN

INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang abo ni dating Manila Mayor Alfredo Siojo Lim sa Manila North Cemetery nitong Sabado ng hapon.

Bago ito, dakong 11:00 ng tanghali, idinaan muna sa Sto. Niño Church ang dating alkalde at sa National Bureau of Investigation (NBI) na pinagsilbihan niya bilang director.

Idinaan din ang labi ng dating alkalde sa MPD Headquarters at sa Senado sa Pasay City kung saan siya nagsilbi bilang senador noong 2004 at 2007.

Inabot ng halos mahigit limang oras bago nadala ang dating alkalde sa kanyang huling hantungan sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila.

Ang dating alkalde ng Maynila ay namatay dahil sa COVID-19 na nag karoon ng komplikasyon sa kidney, sa edad 90 noong Agosto 8.

Si Lim ay nagsilbi bilang alkalde ng Maynila ng 12 taon, mula 1992 hanggang 1999 at 2007 hanggang 2013, naging NBI Director noong 1989-1992, at Interior and Local Government Secretary noong 2000 hanggang 2001. (RENE CRISOSTOMO)

226

Related posts

Leave a Comment