EXPLORATION ACTIVITIES SA WPS BABANTAYAN NG KONGRESO

BABANTAYAN ng mababang kapulungan ng Kongreso ang exploration activities sa West Philippine Sea (WPS) upang hindi muling madehado ang mga Filipino tulad ng nangyari sa Malampaya gas plant contract.

Ito ang tiniyak ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang moratorium sa joint oil exploration ng Pilipinas at China sa WPS.

“Congress should be very vigilant also on this issue so that the finite resources in those area will not be subjected to onerous and disadvantageous contract, just like what happened in the Malampaya exploration,” ani Zarate.

Dehado aniya ang Pilipinas sa Malampaya dahil 10% lamang ang pag-aari dito ng bansa bagay na hindi dapat mangyari kapag nakatuklas ng bagong pagkukunan ng langis at gaas sa WPS.

Hindi aniya ito dapat maulit dahil ang China ang higit na makikinabang sa langis sa WPS.

“Also, we should be very wary that this exploration activities will not be used as a subterfuge in the expansionist plans of countries like China that already occupied and militarized Bajo de Masinloc, among others, ” ayon pa sa mambabatas.

Nangangamba ang kongresista na posibleng ang puwersa ng China ang magbabantay sa itatayong planta at kalaunan ay aangkinin na nila ang buong teritoryo na pag-aari ng Pilipinas.

Kailangan aniyang ipaglaban ng Pilipinas ang mas malaking karapatan sa anomang yaman na makukuha sa WPS sa joint exploration na ito at siguraduhin na hindi ito muling gagamitin ng China para gulangan ang mga Filipino. (BERNARD TAGUINOD)

152

Related posts

Leave a Comment