‘EXTRAORDINARY UNITY AND SOLUTIONS’ PANAWAGAN NI CAYETANO SA GITNA NG TENSYON SA PULITIKA

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano nitong Sabado para sa “extraordinary unity and solutions” sa gitna ng umiiral na tensyon sa pulitika at kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.

Sa isang Facebook Live broadcast, sinabi ni Cayetano na kinakailangan ng bansa ang mas matinding pagtutulungan upang matugunan ang malalaking problema na kinahaharap ng mamamayan.

“‘Pag extraordinary y’ung problema, kailangan extraordinary din y’ung solusyon natin. We have to have extraordinary unity,” ani Cayetano.

Tinukoy rin niya ang tensyon sa pulitika kaugnay ng mga kamakailang pangyayari sa Senado kabilang ang insidente noong Mayo 13 na nagbunsod ng panawagan para sa isang imbestigasyon.

Gayunman, sinabi ng Senate President na dapat pa ring magpatuloy ang trabaho ng Senado habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.

“Hindi natin minemenos yung nangyari noong May 13. Ang sinasabi natin, let’s deal with it professionally. Let’s have an independent investigation. Let’s wait for all of the results,” aniya.

“In the meantime, let us show the Filipino people that the Senate is the Senate,” dagdag pa niya.

Ayon kay Cayetano, dapat manatiling nakatuon ang mga mambabatas sa mga pangunahing problema ng bansa tulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, healthcare, edukasyon at transportasyon.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pananampalataya sa pamumuno at pamahalaan.

“If you take out God from the equation, from our society, from our schools, from our laws, from the Senate, from the House, from Malacañang, we will truly be lost,” ani Cayetano.

“Hindi pwedeng wala si God sa usapan. Let’s not abuse God. Let’s not use God. Let’s be used by God,” dagdag pa niya.

91

Related posts

Leave a Comment