UPANG hindi mapag-iwanan ang Pilipinas, itinutulak ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles na maglaan ng pondo kada taon sa training ng mga Filipino scientist at mga eksperto sa iba’t ibang larangan sa ibang bansa.
Sa kanyang House Bill (HB) 1380, hiniling ni Nograles sa House Committee on Higher and Technical Education, kung saan siya ay vice chairman, na itaguyod ang Training ng maraming Filipino scientists and experts sa ibang bansa sa pamamagitan ng annual appropriations.
“We need to provide our scientists and experts with opportunities to learn from the best across the world, and for them to apply what they have learned in our own setting,” ani Nograles.
“Many other countries, and even our ASEAN neighbors, have benefitted from this kind of setup. If we do not act, we will be left behind,” dagdag pa ng Harvard-trained lawyer.
Ayon sa mambabatas, hindi lamang ang scientist at experts ang makikinabang sa karagdagang kaalaman na makukuha nila sa kanilang training sa ibang bansa kundi ang Pilipinas sa kabuuan dahil kahit nasa ibang bansa ang mga ito ay maaari silang tumulong.
“Distance provides proper perspective. Sometimes when we are too close or too immersed in what we love we fail to see how we may improve,” paliwanag pa ng mambabatas.
Sa ngayon aniya ay umaabot lamang sa 16,000 ang mga Filipino na nag-aaral sa ibang bansa base sa datos na nakuha sa Commission on Higher Education (CHEd).
Bagama’t doble ang bilang na ito sa nakaraang 10 taon, napakaliit pa rin aniya ito kumpara sa ilang miyembro ng Southeast Asia tulad ng Vietnam na umaabot sa 60,000 ang kanilang mga estudyante na pinag-aaral sa ibang bansa noong 2016.
Inuugnay ito ni Nograles sa kawalan nang maayos na estratehiya sa pagpapadala ng mga Flipino sa ibang bansa para mag-training at limitado kundi man kawalan budget, para suportahan ang mga ito.
Hindi aniya dapat umasa lang ang gobyerno sa mga foreign at private assistance para makapag-training ang nakararaming Filipino sa ibang bansa at sa halip ay pangunahan nito ang nasabing adbokasiya upang mas umunlad ang Pilipinas. (BERNARD TAGUINOD)
