GINANG PINAGTIMPLA NG KAPE BAGO PINATAY

QUEZON – Patay ang isang ginang matapos na ito ay barilin ng isang lalaking nagpatimpla sa kanya ng kape sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Calauag police ang biktimang si Marilou Recentes, 55-anyos, residente ng Sitio Tinambolan, Barangay Pinagsakayan.

Batay sa report, dakong alas-5:30 ng umaga nang dumating ang hindi kilalang suspek sa bahay ng biktima habang ang ginang at ang mister nito na si Andres Recentes, 60-anyos, ay naghahanda ng almusal.

Humingi muna ng kape ang suspek at pagkaraan ay sinabihan ang mag-asawa ng “Dapa kayo para walang masaktan”.

Habang nakadapa ang mag-asawa, dalawang beses na binaril ng suspek sa ulo ang ginang na agad nalagutan ng hininga. Hindi naman sinaktan ng suspek ang mister ng biktima. (NILOU DEL CARMEN)

193

Related posts

Leave a Comment