HALOS 10K PULIS INILATAG SA BARMM ELECTION

NAKA-DEPLOY na sa BARMM ang 9,821 police personnel, mas mataas ito sa naunang bilang na 9,435.

Ang nasabing bilang ay large-scale security deployment ng Philippine National Police para sa BARMM Parliamentary Election sa Setyembre 14.

Pinakamalaking bahagi ng deployment ay nakalaan sa 4,313 voting centers, bukod pa sa COMELEC offices, treasurers’ offices at checkpoints sa buong rehiyon.

Nakahanda naman ang 2,120 bilang Quick Reaction Forces na siyang tutugon sa anomang insidente.

Kabilang din sa deployment ang 1,754 Special Electoral Board personnel na itatalaga para tumulong sa election-related duties.

Sinabi naman ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., na layon ng nasabing deployment ay para tiyaking ligtas ang malayang pagboto.

Nanawagan din ang hepe ng Pambansang Pulisya na i-report ang anomang kahina-hinalang aktibidad hinggil sa eleksyon.

(TOTO NABAJA)

75

Related posts

Leave a Comment