HINAMON ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon si Davao City Rep. Paolo Duterte na maglabas ng ebidensya sa alegasyon nito na tinatakot ang mga mambabatas na mawawalan ng pondo kapag hindi sinuportahan ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon, dapat idaan sa tamang forum ang mga ganitong reklamo at hindi lamang sa social media.
“Maganda patunayan ni Cong. Duterte yung claims na sinasabi niya kasi I think for the last couple of months, wala naman ho siyang ginawa kundi maglabas ng mga pahayag sa kanya pong Facebook account,” ani Ridon.
Kasabay nito, sinabi ni Ridon na inaasahan ng Kamara ang personal na pagdalo ni Paolo Duterte upang ipagtanggol ang kanyang kapatid sa oras na umakyat na sa plenaryo ang impeachment proceedings sa Lunes, Mayo 4.
Pinuna rin ng mambabatas ang madalas na pagliban ni Duterte sa plenary proceedings at committee meetings, kung saan dapat tinatalakay ang mahahalagang usapin.
“Ang in-expect namin ngayong linggo, ipagtatanggol ho niya yung kapatid niya sa plenary proceedings na hindi naman niya ginagawa noon pa,” dagdag pa niya.
Inaasahang tatalakayin sa plenaryo ng Kamara ang committee report at Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente matapos itong pagtibayin ng House Committee on Justice.
(TINA MENDOZA)
56 