HARASSMENT NG CHINA SA PHIL. NAVY SHIP, INAASAHAN NA – DFA

HINDI umano nababahala ang Department of National Defense sa naganap na panibagong pangha-harass ng China nang dikitan at harangan ng China People’s Liberation Army Navy ships ang nagpapatrolyang Philippine Navy ship sa bisinidad ng Bajo de Masinloc, 11 nautical miles ng Masinloc, Zambales.

Hindi na ito naka-aalarma, ayon kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa isang chance interview matapos ang ginanap na Closing Ceremony para sa Balikatan 40-2025 iteration sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

“I’m not alarmed and I’m not surprised. Sinasabi ko na matagal na pakikibaka ito, pahayag ng kalihim kaugnay sa naganap panibagong insidente ng harassment sa Bajo de Masinloc, kung saan dinikitan ng dalawang gray ship at isang coast guard ng China ang Philippine Navy ship BRP Emilio Jacinto (PS-35).

Sinabi pa ng kalihim, expected na ang mga bagay na ginagawa ng China sa West Philippine Sea gaya ng incursion ng China sa Sandy Cay, kaya ang kailangan ng bansa ay paghandaan ang mga ito at tutulan.

“We have to expect more of the same. I mean alangan naman hindi natin gawin ang katungkulan natin sa ating jurisdiction sa ilalim ng batas, ‘di pwede ‘yun, sila ba nagdidiktang batas ng mundo, hindi.”

“Well, I mean kasi obvious which country does not adhere to the rule of law here. It is only China,” ani Gibo.

“Ah, I mean, so bukod tangi po sila ano, valedictorian po sila sa hindi pagsunod sa rule of law, kung may ginawang tama ‘yang bansa na ‘yan, ngayon ay hindi bansa, baguhin ko, ‘yung partido na nangangasiwa sa kanila,” pahayag pa kalihim.

“We have to expect those things to happen. And it is a choice. Do we, left or right? Left. Sinasabi ko kanina, there is a price to pay for freedom. Ngayon, ano ang price? Kung magdesisyon tayo na madali, appease, capitulate. Ngayon, kung tinatawag natin ang sarili natin na republika at makasarinlan, stand up, e nasa stand up tayo, ang cost nun mangyayari to. Ang cost naman ‘pag hindi tayo tumayo ay kalimutan na natin ‘yung kinabukasan ng ating mga anak,” ani Teodoro.

(JESSE KABEL RUIZ)

37

Related posts

Leave a Comment