HIGIT 7K KATAO SA 17 REHIYON NABIGYAN NG LIBRENG TB SCREENING AT SERVICES NG DOH

PINANGUNAHAN ng Department of Health (DOH), kasama ang iba’t ibang organisasyon, ang Nationwide Simultaneous Active Case Finding at iba pang serbisyo para sa mahigit 7,000 katao sa 17 na rehiyon.

Nagkaloob sila ng libreng:
✅TB screening – chest X-ray
✅Tuberculin Skin Test (TST)
✅TB confirmatory testing – sputum testing
✅HIV testing at counselling
✅Health education
Layon ng DOH na mapalawak at mapabilis ang Tuberculosis Preventive Treatment (TPT) coverage na napatunayang epektibong proteksyon laban sa TB. Karaniwang binibigay ang TPT sa:
✅Taong naexpose sa pasyenteng may TB.
✅Persons Living with HIV
✅May iba pang may sakit o mahina ang resistensya

Ayon sa Integrated Tuberculosis Information System (ITIS), umabot sa 192,733 kaso ng Tuberculosis (TB) ang naitala mula Enero hanggang Hunyo 2025.

Nauna nang inihayag ni Sec. Ted Herbosa na layon ng DOH na mapababa ang bilang ng may TB sa bansa hanggang sa maging TB-free ang Pilipinas kaya pinaiigting ng ahensya ang mga proyekto nito sa iba’t ibang rehiyon kontra TB.

120

Related posts

Leave a Comment