Hindi haharangin ang pagpasok sa mga kampo militar AFP KIKITA SA DITO TOWERS

HINDI ikinaila ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may katapat na kabayaran o upa mula sa TELCOS ang collocation ng mga cellsites sa loob ng AFP camps na binabase rin sa camp’s location.

“In case of Dito, the rental payment goes to government as Trust Receipt. This means that the rental fee will be reflected as AFP fund, the deposit or withdrawal of which is covered by government accounting rules,” ani Marine Major General Edgard Arevalo, Commander, AFP Education, Training and Doctrine Command at AFP Spokesperson.

“So whatever we need be equipment, or training, or other AFP requirements can be drawn from there.

Provided that such is contained in a programmed expenditure as approved by the AFP Chief,” paliwanag pa ni Mgen. Arevalo.

Sa pahayag ng DITO Telecommunity, may go signal na sila para sa pagtatayo ng mga tower sa loob ng ilang kampo militar, sa likod ng mga agaw-agam na magamit ito sa paniniktik ng China at malantad ang AFP sa cyber security breach.

Dahil ito sa paggamit ng Huawei na gawa ng China bilang platform ng DITO na napag-alamang ginagamit din ng Smart at Globe.

Lumutang ang isyu ng espionage and spying concerns makaraang kumpirmahin ng Department of National Defense at AFP na pinapayagan na ang DITO na magtayo ng kanilang mga pasilidad sa loob ng mga kampo militar base sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA).

Upang mapawi ang pangambang magamit ang third telco sa cyber espionage ay gagamit ang DITO ng isang US cyber security solution na gagastusan ng Php 1 billion ngayong taon.

“Kung wala kayo tiwala sa Chinese equipment, siguro naman may tiwala kayo sa US cybersecurity solution,” bilang patunay rin umano ito na hindi pag-aari o kontrolado ng China ang DITO Telecommunity.

Nabatid kay Ret. Maj. General Rodolfo Santiago, DITO Telecommunity’s chief technology officer na bago ang katapusan ng taon ay aabot sa 2,000 towers and sites ang kanilang makukumpleto na lagpas sa 1,300 na target nila. (JESSE KABEL)

184

Related posts

Leave a Comment