‘UNIFIER’ KAILANGAN NG SENADO – KOKO

IGINIIT ni dating Senate President Aquilino Koko Pimentel na sa panahon ngayon kailangan na ng isang unifier sa Senado.

Ipinaalala ni Pimentel na ang Senate President ang dapat na umaakto upang mabuo ang institusyon para matalakay at maipasa ang mahahalagang panukalang batas na mapapakinabangan ng taumbayan.

Subalit sa nangyayari aniya ngayon na puro away at personalan na ang pag-atake, kailangan na ring mag-isip-isip ng lahat ng senador lalo na si Senate President Alan Peter Cayetano kung nakabubuti sa institusyon ang kanilang mga gawain.

“Nag-volunteer ka to be a leader, tapos ang chamber mo walang magawa kasi puro away baka maisip mo hindi pala ako para rito, I will step back, ibigay na for the good of the chamber at hindi for your own goo,” pahayag ni Pimentel.

Nilinaw naman ng dating senador na ang anomang desisyon na bitiwan ang pamumuno sa Senado ay personal na desisyon at hindi maaaring ipilit.

Kasabay nito, nanawagan si Pimentel sa Senate Majority Bloc na huwag babalewalain ang Senate Minority Bloc dahil ipinagbabawal ito sa kanilang patakaran.

Mahalaga anya ang papel ng minority bloc kaya’t hindi dapat magdesisyon ng pagsasagawa ng anomang imbestigasyon ang bawat komite nang walang representasyon mula sa minorya.

Apela naman ni Pimentel sa Minority Bloc na makipagtulungan din sa pagbuo ng mga komite upang kahit paano ay umusad na ang Senado.

Aminado si Pimentel na nakadidismaya ang nangyayari ngayon sa Senado na tila personalan ang mga pag-atake.

(DANG SAMSON-GARCIA)

66

Related posts

Leave a Comment