HUWAG MAGPAGAMIT

Kasabay nito, umapela si Rep. Sarmiento sa PNP na huwag magpagamit sa pulitika at sa halip ay tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan at protektahan ang mamamayan.

“Sana mga uniform service, huwag po tayong magpagamit sa pulitika. Ang serbisyo ay dapat sa mamamayan, para sa bayan. ‘Yan po sana ilagay nyo sa isip niyo,” apela ni Sarmiento.

Ginawa ni Sarmiento ang apela dahil mistulang nababaliktad umano ang kaso ni Mayor Aquino.

Ayon sa kongresista, noong 2018 ay humarap ang mga ito sa media matapos magkaroon ng report na siya, si Mayor Aquino at isa pa ay sangkot umano sa droga.

“Samantalang ako ang nag-expose, kasama ko pa ang chairman (ng House committee on dangerous drugs) na si Ace Barbers, ako sinabi ko, pambira naman ito,” ayon pa kay Sarmiento na vice chairman ng nasabing komite.

Pinanindigan ng mambabatas na kahit kailan ay hindi sila nasangkot sa ilegal na droga at pulitika ang dahilan kaya kinaladkad sila sa nasabing isyu.

Nagwawala si Sarmiento sa pagpatay kay Mayor Aquino dahil mistulang planado umano ito.

“Marami po, marami (ang taong nakasaksi). Imposible po, kahit baliktarin ang kuwento nyan wala pong maniniwala dun sa amin. Parati kasing ginagawa yan. Pag politiko sasabihin nandito po tayo, may ginagawang masama. Sana naman huwag ganyan po,” ayon pa kay Sarmiento. (BERNARD TAGUINOD)

316

Related posts

Leave a Comment