‘INDIA VARIANT’ MABAGSIK SA MGA BATA

MAGING ang mga bata sa India ay tinatamaan na rin ng severe case ng COVID-19 bilang epekto ng double variant na nananalasa sa kasalukuyan doon.

Ito ang sinabi ni Vaccine Expert Panel, Dr. Nina Gloriani batay na rin aniya sa inilabas na impormasyon ng mga eksperto sa India.

Sinabi ni Gloriani na ibang klase ang nasabing variant sa India kung ikukumpara sa nakuhang variant ng bansa mula sa United Kingdom at South Africa kaya’t hindi aniya patas na sabihing malala pa ang Pilipinas kaysa sa India.

Kung mortality rate aniya kasi ang pag-uusapan ay napakababa naman ng naitatala sa bansa.

Sinabi nito na kung may nakita mang pagtaas sa kaso ng COVID 19 nitong nakaraang Marso ay dahil na rin sa pagre-relax ng ilan nating mga kababayan at pagtama ng ibang variant pero hindi ang uri ng variant na tumama sa India. (CHRISTIAN DALE)

156

Related posts

Leave a Comment