UMABOT na sa halos dalawang milyon ang mga nakapagpabakuna ng 1st at 2nd dose kontra COVID 19.
Ito ang ibinalita ni vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez Jr. sa harap ng tuloy-tuloy na pag-usad ng vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ni Galvez na sa apat na milyong bakuna na natanggap ng bansa, 3.7 million dito ang na-deploy na.
Lumalabas, ani Galvez na nakapagtala ang bansa ng 1 million monthly vaccination average sa buwan ng Marso at Abril habang target naman ngayong Mayo na makapagbakuna ng nasa dalawang milyon.
“So sa ngayon po tingnan po natin ‘yong status ng rollout natin and vaccine deliveries. So sa ngayon po mayroon na po tayong natanggap na 4 million and then na-deploy na po natin ‘yong 3.7 million,” ayon kay Galvez. (CHRISTIAN DALE)
135 