INGAY SA BICAM REPORT BAHAGI NG DESTAB PLOT – PBBM

BAHAGI ng destabilisasyon o i-destabilize ang gobyerno ang hakbang na hamunin ang ‘constitutionality’ ng 2025 General Appropriations Act (GAA) sa Korte Suprema.

Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng pagpapasinaya sa Mactan-Cebu International Airport Alternate Runway, inamin ng Chief Executive na “no contingency plan” ang nakahanda sakali’t katigan ng Korte Suprema ang nasabing petisyon.

“No, we shut down everything. I guess that’s what they want, they want the government to cease working so ‘yung matuloy yung kanilang mga destabilization na ginagawa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos nang tanungin kung may nakaabang na contingency plan ang gobyerno kapag idineklarang ‘unconstitutional’ ang 2025 national budget.

Tinuran pa ng Chief Executive na si Solicitor General Menardo, sa ngalan ng gobyerno ng Pilipinas ang siyang makatutugon lamang sa petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng 2025 national budget.

“The SolGen, of course, will be the one who will argue for the government, and he tells me, SolGen Meynard tells me that we are on a solid footing in terms of constitutionality,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“I don’t know why they bother to file that because napakahirap ng kanilang assertion (their assertion is very difficult [to defend])… We’re very confident that our case is strong,” aniya pa rin.

Nauna rito, pormal nang isinumite sa Korte Suprema ang pagkwestyon sa constitutionality o legalidad ng 2025 national budget na nilagdaan ni Pangulong Marcos.

Pinangunahan nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab ang paghahain ng Petition for Certiorari and Prohibition laban sa ilang bahagi ng national budget.

Ayon kay Rodriguez, hinihiling ng petisyon na maisantabi at ipawalang bisa ang 2025 GAA dahil anya ilegal at unconstitutional ang pagkakaroon ng blangkong item sa naturang panukala.

Binigyan-diin pa ng dating opisyal na kasabwat sa sinasabing biggest money heist, ang mga mambabatas na hindi tumutol sa pagpasa ng Bicam report.

Kasama sa tinukoy ng mga petitioner sa kanilang petisyon ang bahagi ng pondo ng Department of Agrarian Reform; National Irrigation Administration at philippine Coconut Authority na may blangkong item sa pondo. (CHRISTIAN DALE)

76

Related posts

Leave a Comment