ROSMAR TAN, UMATRAS NA SA KANYANG PAGTAKBO BILANG KONSEHAL NG MAYNILA

BINAWI na rin ng internet personality at businesswoman na si Rosemarie Tan, kilala sa social media bilang si Rosmar Tan, ang kanyang kandidatura para sa local elections sa Mayo 12, 2025.

Nitong Huwebes ay pormal na nag-withdraw si Tan sa mismong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).

Gayunman, hindi tinanggap ng main office ang kanyang statement of withdrawal dahil ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, dapat isumite ni Tan ang kanyang statement of withdrawal kung saan siya naghain ng kanyang certificate of candidacy.

Si Tan ay tumatakbo bilang konsehal sa unang distrito ng lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Tan na wala talaga sa puso niya ang pamumulitika at gusto niya na lamang magbigay ng tulong sa mga kababayan na kaya niya naman umanong gawin kahit wala sa puwesto.

Bukod dito, tatlong buwan na rin siyang buntis sa ikatlo niyang baby na aniya ay senyales ng Panginoon para hindi na siya tumakbo.

Ayon kay Rosmar, hindi man matuloy ang pagtakbo niya ay nangako nito sa mga nangangailangan na patuloy pa rin ang kanyang pagtulong. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)

46

Related posts

Leave a Comment