MULING nagpalabas ng Scam Alert ang Bureau of Customs para protektahan ang taumbayan na posibleng mabiktima nito.
Ayon sa paalala ng BOC, dapat maging mapagmatyag at bantayan ang kanilang sarili ng taumbayan laban sa package scams.
Anila, kailangan ingatan ng mga tao ang kanilang personal details, IDs at bank information.
Ang BOC ay nakatatanggap ng iba’t ibang reklamo laban sa scammers gamit ang social media.
Kadalasang ang mga ito ay nagpapakilalang empleyado sila ng Bureau of Customs at gumagamit pa ng pangalan ng ilang mga empleyado at opisyal nito.
Para sa kahina-hinalang aktibidad ay maaaring kontakin ang PNP Anti-Cybercrime Group o ang Bureau of Customs – Customer Assistance and Response Service (BOC-CARES) sa pamamagitan ng email o kanilang social media pages:
PNP Anti-Cybercrime GroupHotline number: (02) 723-0401 (loc. 7491)
Viber Numbers: 0915-589-8506/0966-627-1257
Facebook: https://buff.ly/430i1mi
Office address: Anti-Cybercrime Group Building, Col. Lagman St., Bagong Lipunan Camp Crame, Quezon City, Metro Manila, Philippines 1100.
Bureau of Customs:
Hotline number: (02) 87056000
Email: boc.cares@customs.gov.ph
FB: https://buff.ly/3Wx8HnlOffice address: Office of the Commissioner G/F OCOM Building, 16th Street, South Harbor, Port Area, Manila
For more information, go to the BOC official website at https://buff.ly/45ovMfQ.