Kurdapyo ni TOTO NABAJA
HANDS-ON, well decorated police officer at tinaguriang “Iron Lady” ng Philippine National Police (PNP), ang ating bida sa “Kurdapyo” mga Ka-Toto.
Miyembro ng PNPA Oman Silang Class of 2008 at kauna-unahang babaeng naging Chief of Police ng Bacoor City, Cavite, siya si P/Lt. Col. Alexie Desamito na tubong Pangasinan.
Mga Ka-Totong Kurdayo at Kurdapya, nito lamang nagdaang November 3 muling ipinakita ni Desamito ang pagiging hands-on lalo na pagdating sa maselang misyon, nang pamunuan niya mismo ang pagtugis sa pitong miyembro ng notoryus na “Gapos gang” na humantong sa madugong engkwentro sa Barangay Molino. Buti nga sa inyo.
Lima sa pitong suspek na sakay ng isang Sedan ang nasawi, dalawa rito ay dating mga pulis na discharge sa serbisyo. Aray naku! Pakak!
Sinuwerte namang nakatakas ang dalawang iba pa na sakay ng motorsiklo, na subject ngayon ng manhunt operation. Mahuhuli rin kayo.
Pakay ng grupo na pasukin ang bahay ng mayamang negosyante sa isang subdivision, pero nang malapit na sila sa target na lugar dito na sila hinarang ng team ni Desamito na nauwi sa habulan at putukan. Huli ka, balbon!
Matagal nang under surveillance ang grupong ito na sangkot sa mga insidente ng nakawan, robbery at kidnap for ransom. Susmaryosep, mga pusakal talaga!
Dahil sa matagumpay na operasyon na kanyang pinamunuan, ginawaran ni Police Regional Office (PRO-4A) Director P/BGen. Dominic Baccay ng On-the-Spot Commendation si Desamito. Yown oh!
Congrats! Iron Lady… Oops teka lang mukhang nangangamoy 1 rank promotion hahaha… Ano sa palagay mo, Gen. Nartatez, Sir?
Halos naikot na pala ni Desamito ang Pilipinas sa kanyang mga naging assignment at sa bawat lugar na kanyang napuntahan ay lagi siyang nag-iiwan ng bakas. Ambot sa bakang biyuda!
Bago naging OIC-Chief ng Bacoor noong 2024, ilan lamang sa kanyang napuntahan ay ang Camp Crame, Pangasinan, CIDG, Basilan, Tawi-Tawi, Maguindanao, Mindanao area, Aurora, at Nueva Ecija.
Recipient ng samu’t-saring parangal at pagkilala sa kanyang ‘di matatawarang husay sa pamumuno at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin. Well decorated ngani!
Sa bawat field unit na kanyang napuntahan, walang sinasantong kriminal maging sa mga abusadong tauhan at laging nangunguna sa mga buwis-buhay na operasyon. Kaya ka pala tinaguriang Iron Lady ma’am, hahaha… Nawa’y mag-multiply ang iyong lahi!
Ooopppssss… sandali lang… big, big congratulations nga pala sa newly promoted PNP/PIO PBGen. Allen Rae Co! Dalangin ni Kurdapyo sana madagdagan pa ‘yang star mo hahaha… Chief mo… Chief ko… Eh Di Wow.
36 