KAGAWAD ITINUMBA NG 2 TANOD

BATANGAS – Patay ang isang kagawad makaraang barilin umano ng dalawang barangay tanod sa Lipa City noong Linggo ng gabi.

Base sa ulat na natanggap ng Lipa City Police, nangyari ang insidente habang pauwi sa kanilang bahay ang biktimang si Rene Laylo, 60, kasama ang kanyang misis at kanilang anak.

Habang sakay ng owner type jeep ang mag-anak bandang alas-10:00 ng gabi nang parahin sila ng dalawang suspek na sina alyas “Jack” at Marciano Olan alyas “Sano,” kapwa tanod ng Brgy. Antipolo Del Sur, Lipa City.

Makaraan ang pagtatalo ay binaril sa ulo ng isa sa mga suspek ang biktima at mabilis na tumakas.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima. (CYRILL QUILO)

163

Related posts

Leave a Comment