KAKALAS SA SENATE MAJORITY BLOC MASAHOL PA KAY HUDAS – MARCOLETA

NAGHUNTAHAN ang mga senador habang naka-break ang sesyon sa pagtalakay sa mga panukalang batas at iba pang nakabinbing pambansang usapin. Dahil sa manipis ang bilang ng majority block, nabanggit umano ni Senator Camille Villar kay Senator Rodante Marcoleta na masahol pa kay Hudas ang sinomang kakalas sa Majority bloc matapos ang naging sakripisyo ni Senador Ronald Bato dela Rosa. (DANNY BACOLOD)

TINAWAG ni Senador Rodante Marcoleta na masahol pa kay Hudas ang sinomang kakalas sa 13 miyembro ngayon ng Senate Majority bloc matapos ang naging sakripisyo ni Senador Ronald Bato dela Rosa.

Sinabi ni Marcoleta na mismong si Senador Camille Villar pa ang nagsabi ng mga naturang salita noong magkakasama sila noong gabi ng kaguluhan.

Ipinaliwanag ni Marcoleta na nagsakripisyo si dela Rosa para makuha ang liderato ng Senado ng kanilang grupo kaya sino ang walang konsensya na babalewala rito.

Iginiit pa nito na hindi kailangang lumutang ni dela Rosa noong Lunes pero inilagay ang sarili sa panganib.

Kung naaresto anya si dela Rosa ay tiyak na ididretso siya sa The Hague, Netherlands tulad ng ginawa kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

“Nirisk niya (dela Rosa) yung buhay niya. Kaya lang kami nabuo dahil sa kanya. Wala nang iba. We owe it to himself alone and nobody else.

Nobody else. Kung hindi siya pumunta, no one will blame him. Buhay nya yun eh. But he chose to do it. Sabi ko sa kasama ko ngayon, sinong walang konsensyang kakalas,” saad ni Marcoleta.

“Kaya mas masahol pa kay Hudas ang maghuhudas sa amin,” dagdag ng senador.

(DANG SAMSON-GARCIA)

168

Related posts

Leave a Comment