KAMARA NAGTALAGA NG ‘PALABANG’ SPOKESMAN

KUMUHA na ng tagapagsalita ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa katauhan ng anak ni outgoing Manila Rep. Bienvenido Abante na si Atty. Princess Abante.

Aksyon ito ng Kamara matapos umanong mabugbog sa fake news,

Kahapon ay pormal nang nagsimula sa kanyang trabaho ang batang Abante, na umingay ang pangalan noong panahon ng kampanya matapos resbakan sina Vice President Sara Duterte at Manila Mayor-elect Isko Moreno sa paninira at pambabastos sa kanyang ama sa isang campaign rally sa ikatlong distrito ng Manila.

“The House cannot afford to be silent while lies travel faster than truth. We will speak with clarity, we will speak with purpose and we will speak without hesitation,” pahayag ng bagong spokesperson ng Kamara.

“Tayo po ay mag-uulat sa bayan ng pawang mga katotohanan lamang. Walang halong fake news. Walang labis, walang kulang, dahil ito po ang ating mandato sa mamamayang Pilipino,” dagdag pa nito sa mga mamamahayag sa Kamara.

Bago naging Spokesman ng Kamara, tumayong tagapagsalita ng Office of the Mayor sa Manila si Atty. Abante pagkatapos ng tatlong termino bilang Konsehal ng ikatlong distrito ng lungsod.

Sinabi nito na kailangang aksyunan na ang mga fake news na ibinabato sa Kamara at maging sa mga miyembro ng kapulungan sa pamamagitan ng katotohanan.

“We are here to inform, not to inflame. Pero kung kailangan pong punahin ang mga mali, kung kailangang itama ang kumakalat na fake news para i-discredit ang Kamara o mga miyembro nito, makakaasa po kayo na gagawin namin ito. The public deserves no less than the truth,” ayon pa kay Atty. Abante.

(BERNARD TAGUINOD)

43

Related posts

Leave a Comment