DAVAO CITY – Selos ang nakikitang motibo ng mga awtoridad nangrapiduhin ng bala ng isang lalaki ang apat katao habang tumatagay dakong alas-5:00 ng hapon noong Linggo sa Morning Heights, Purok 3A, Barangay San Isidro, Bunawan District sa lungsod na ito.
Nagresulta ang insidente sa pagkamatay ng mga biktimang sina Melodina at Julito Cilloter Bacalso, kapwa dead on arrival sa Tibungco Doctor’s Hospital.
Sugatan naman sina Elvin Quilojano Bacalso at Mary Jane Egsulan Ribalde.
Ayon sa imbestigasyon ng Davao City Police Office (DCPO), nagselos umano ang suspek na si Luciano Ribalde Ek, alyas “Victor” nang makipag-inuman ang kanyang misis na si Melodina Lanada Ek sa tatlo katao.
Dagdag ng DCPO, naghihinala ang suspek na may relasyon ang kanyang misis at si Julito.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang apat na basyo ng bala ng .45 kalibreng baril na ginamit ng nakatakas na suspek.
Patuloy pa ang inilunsad na manhunt operation ng Bunawan Police Station laban sa nasabing suspek. (DONDON DINOY)
96