BIΓAN City – Binaril at napatay ng hindi kilalang suspek ang isang miyembro ng BiΓ±an Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) sa nabanggit na lungsod noong Sabado ng gabi.
Ayon sa report ng BiΓ±an Police, pauwi galing sa duty ang 44-anyos na biktimang si Jonas Cerdena nang tambangan ito ng suspek, hindi kalayuan sa kanyang bahay sa Barangay San Antonio alas-8:00 ng gabi.
Nalagutan ng hininga ang biktima habang isinusugod sa Ospital ng BiΓ±an.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at inaalam ang motibo at mga responsable sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)
303 