Laban sa cybercrimes, text scams CYBER PATROLLING PINAIGTING NG PNP, AFP

POSIBLENG masawata na at mapanagot sa batas ang mga responsable sa cybercrimes at naglipanang text scams.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police matapos na makapag-apply na ang PNP ng cyber warrant.

Hinihinalang organized group ang nasa likod ng pagpapakalat ng text scams dahil text blast umano ang ginagawa ng mga ito kaya mabilis ang pagpapakalat ng kuwestyunableng text messages na may mga kaduda-dudang internet or website links.

Sinasabing naghihintay na lamang ang PNP Anti-Cybercrime Group ng tugon mula sa judicial authorities para tuluyang malaman at mabuksan ang mga numero na responsable sa pagpapakalat ng text scams.

Sinasabing doble-kayod ang Anti-Cybercrime Group ng PNP (PNP-ACG) para tuntunin at labanan ang grupo o mga individual na nasa likod ng naglipanang text scams.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inihayag ni PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Joel Doria na higit pa nila ngayong palalakasin ang isinasagawang cyber patrolling.

Batid umano ng PNP ang pangamba ng publiko sa text scam na ngayon ay personalized na, kaya naman iniimbestigahan na nila ito, ani Col. Fajardo.

Sa hanay ng Armed Forces of the Philippine, inihayag ni Col. Medel Aguilar, pinuno ng AFP Civil Relation Service at tumatayong AFP spokesperson, pinag-aaralan din nila ang suliranin hinggil sa cybercrimes.

Ayon kay Col. Aguilar, lubhang naka-aalarma na ang suliranin hinggil sa cybercrimes at maging ang kumakalat ngayong personalized text scam.

Sinabi ng opisyal, pinag-aaralan na nila kung paano makatutulong ang kanilang cyber forensic experts at information technology personnel, sa pagtunton at pagsugpo sa suliranin ng bansa sa cybercrimes, text scams  at gayundin sa may kaugnayan sa cyberterrorism.

“Cybercrime refers to any illegal activity carried out using computers or the internet. Cybercriminals — ranging from rogue individuals to organized crime groups to state-sponsored factions using techniques like phishing, social engineering, and all kinds of malware as part of their cyberattacks,” ayon sa isang eksperto sa cyber protection.

Napag-alamanan na kabilang ang Pilipinas sa nangungunang internet users na bansa sa Asya at karamiha sa mga ito ay may Facebook account, active YouTube profiles at Instagram account.

Naging pangatlo rin ang Pilipinas sa buong mundo sa dami ng Facebook users kung saan halos pantay ang bilang mga mga babae at lalaking may FB account. (JESSE KABEL)

405

Related posts

Leave a Comment