NAVOTAS GRADUATES BINIGYAN NG CASH INCENTIVES

NAMAHAGI ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ng cash incentive sa mga nagsipagtapos sa Navotas City Polytechnic College (NPC).

Binigyan ang nasa 505 NPC graduates sa academic year 2021-2022, ng P1,500 bawat isa.

“Soon, most of you will join thousands of new graduates seeking employment. We hope you will get the jobs you dreamed of and flourish in your chosen career,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Ipinaalala rin ni Mayor Tiangco sa mga nagsipagtapos na ang lungsod ay may nakalaang mga programa sakaling magpasya ang mga ito na magbukas ng sariling negosyo o nais matuto ng technical-vocational skills.

“Our NavotaAs Hanapbuhay Center can assist you if you need capital for your business. On the other hand, our NAVOTAAS Institute offers free tech-voc courses to help you develop in-demand skills in various industries,” dagdag ng alkalde.

Nagsimulang mamahagi ng cash incentives ang lungsod sa mga pampublikong paaralan mula noong taong 2019 sa ilalim ng City Ordinance 2019-03 at bukod sa mga nagtapos sa NPC, ang elementarya at senior high school completers ay nakatanggap din ng P500 at P1,000.

Samantala, sumailalim sa orientation ang 33 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) at sila ay mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaang lungsod mula Setyembre hanggang ika-20 ng Disyembre ngayong taon at makatatanggap ng sahod na P570 kada araw.

Hinikayat sila ni Mayor Tiangco na sikaping makapagbigay ng taos-pusong paglilingkod sa kapwa at gamitin ang matututunan nila upang maging handa sa pagtatrabaho sa hinaharap.

Ang GIP ay programang hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ng NavotaAs Hanapbuhay Center. (ALAIN AJERO)

481

Related posts

Leave a Comment