BATANGAS – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng kanyang bayaw sa Barangay Nagsaulay, bayan ng San Juan sa lalawigan noong Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Guillermo Dimaculangan, 69, residente ng Barangay Nagsaulay, habang ang suspek ay ang kanyang bayaw na si “Sireneo”, 69, residente ng Barangay Bulsa sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga noong Linggo nang magselos ang suspek sa biktima dahil sa umano’y pang-aakit sa kanyang misis.
Humantong ito sa pamamaril ng suspek sa biktima habang naglalakad sa kalsada na agad nitong ikinamatay.
Mabilis namang nagresponde ang San Juan Municipal Police Station (MPS) at agad nagsagawa ng hot pursuit operation at nadakip ang suspek sa Sitio Lipote, Barangay Bulsa, sa tulong ng Batangas 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), Batangas Drone Pilots, at Tactical Motorcycle Riders Unit (TMRU),
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon at nakatakdang sampahan ng kasong pagpaslang.
(NILOU DEL CARMEN)
183 