LEPTOS CASES SA NKTI UMAKYAT SA 78

UMAKYAT na sa 78 ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis na nasa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City nitong Martes.

Sinabi ni Dr. Rose Marie Liquete, patuloy ang kanilang paalala na bumisita agad sa clinic ang mga pasyente upang kumuha ng prophylaxis na dapat inumin sa loob ng 24 hanggang 72 oras.

Sinabi niya na kung hindi ito maagapan ay posibleng maging sanhi ito ng acute kidney o liver failure at maging ng respiratory failure.

“Pag nakababad sila sa maruming tubig, kailangan magkaroon na sila ng prophylaxis agad,” aniya.

“Sa ngayon ‘di pa rin nalilinis ang mga basura, kakalat na naman. Environmental ang importanteng prevention,” sinabi nito.

Kabilang sa mga sintomas ng leptospirosis ang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, pangingimig (chills); muscle pain, pagsusuka, paninilaw ng balat at mata, pamumula ng mata, pagtatae at rashes. (CATHERINE CUETO)

114

Related posts

Leave a Comment