SESYON NG SENADO, SUSPENDIDO NA

KINUMPIRMA ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na suspendido ang kanilang plenary sessions mula August 9 hanggang 11 dahil sa muling pagsailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ng Metro Manila.

Sinabi ni Zubiri na nagkasundo ang mga senador na huwag munang magkaroon ng sesyon sa gitna ng pinaiiral na protocol.
“Yes, that’s confirmed,” saad ni Zubiri.

Una nang sinabi nina Senate President Vicente Sotto III at Zubiri na pinag-aaralan nila ang suspensyon ng sesyon.

Sinabi ni Sotto na posibleng mahirapan ang ilan nilang empleyado sa pagko-commute kahit skeletal schedule ang kanilang ipinatupad.

Idinagdag naman ni Zubiri na pag-aaralan ng Senado kung itutuloy pa rin ang hybrid committee hearings.

“I’m checking about committee hearing kung pwede pa. Ang mahirap kasi sa hearings is we still need stenographers and of course they can’t come to the Senate,” sinabi ni Zubiri.

“Wala naman silang equipment sa bahay. So baka ‘yan wala din,” dagdag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

137

Related posts

Leave a Comment