ILANG bahagi ng lungsod ng Maynila ang nalubog sa baha maging ang mismong Manila City Hall, at paligid nito kaya naman agad kumilos ang lokal na pamahalaan para tuluyang humupa ang tubig-baha lalo na sa pangunahing mga kalsada.
Nagsagawa ng cleaning at declogging operations ang personnel ng Department of Public Services (DPS), partikular sa kahabaan ng Taft Avenue kung saan bawat box culvert ng drainage ay binuksan.
Dito ay isa-isang tinanggal ang mga basurang nakabara upang magpatuloy ang daloy ng tubig.
Kaugnay nito, idineploy ng Manila LGU ang kanilang mga sasakyan upang magsagawa ng libreng sakay sa mga pasaherong na-stranded dahil sa baha.
Patuloy namang naka-monitor ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa sitwasyon sa buong lungsod habang nakaalerto rin ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office sakaling kailanganing ilikas ang ibang mga residente.
(JOCELYN DOMENDEN)
160 