MAGSASAKA NASABUGAN NG BOMBA

MAGUINDANAO – Sugatan ang isang magsasakang nagpapastol ng kanyang alagang kalabaw matapos na sumabog ang isang improvised explosive device o IED sa Sitio Gantong, Barangay Tonggol sa bayan ng General Salipada K. Pendatun (GKSP) sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktimang si Mujahid Guialudin, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Major General Juvymax Uy, commamder ng 6th Infantry Division, sumabog ang IED dakong alas-5:15 ng umaga habang pasado alas-6:00 ng umaga ay isa pang IED ang nakita sa lugar.

Agad namang tinungo ng mga tropa ng 40th Infantry Battalion, kasama ang mga tauhan ng GSKP PNP, para ikordon ang lugar at ipatupad ang safety procedures.

Agad namang inatasan ni Maj. Gen. Uy ang mga tauhan nito na tugisan ang mga responsable sa pagpapasabog at pagtanim ng bomba sa lugar. (BONG PAULO)

197

Related posts

Leave a Comment