MAGUINDANAO – Arestado ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa Zamboaga del Sur, sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa Zamboanga del Sur Medical Hospital sa Pagadian City, nitong Martes.
Kinilala ang NPA commander na nahuli na si alyas Jotham/Henry ng Main Regional Guerilla Unit (MRGU) ng Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC) sa bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Nanguna sa nasabing operasyon ang mga tropa ng 53IB ng militar at ng Zamboanga del Sur’s Police Provincial Office na inilunsad nito pang Setyembre 21 sa Barangay Marangan, Dumingag, Zamboanga del Sur, na nagresulta sa pagkamatay ng isang NPA terrorist at pagkakakumpiska ng iba’t ibang matataas na uri ng baril.
Ayon kay 53rd IB Commanding Officer Lt. Col. Jo-ar Herrera, ang nasabing kumander ng NPA ay nagpapagaling sa nabanggit na ospital makaraang masugatan sa operasyon. (BONG PAULO)
189 