MALACAÑANG BINUKSAN PARA SA KAARAWAN NI PBBM

BINUKSAN ng Malacañang ang mga gate nito para sa libo-libong Pilipino nitong Lunes, Setyembre 14, kasabay ng pagdiriwang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kanyang ika-69 na kaarawan sa pamamagitan ng “Salo-Salo sa Palasyo.”

Para sa Pangulo, hindi lamang isang pormal na birthday celebration ang okasyon kundi pagkakataon upang makasalo, makasalamuha ang mas maraming Pilipino at pasalamatan ang mga ito sa kanilang suporta.

Tinatayang mahigit 9,000 bisita ang tinanggap sa Malacañang para sa taunang “Salo-Salo sa Palasyo,” habang sabay-sabay ding isinagawa ang mga pagtitipon sa 90 satellite locations sa iba’t ibang panig ng bansa.

Naglaan ng oras ang Pangulo sa Kalayaan Grounds kung saan personal niyang tinanggap at nakipagkuwentuhan sa mga bisita matapos ang maikling programa para sa kanyang kaarawan.

“Thank you for all you’ve done to support me and the work that we are doing,” pahayag ng Pangulo sa mga dumalo.

Ayon sa Malacañang, hango ang pagtitipon sa tradisyong Pilipino na “salo-salo,” kung saan nagsasama-sama ang pamilya at magkakaibigan upang magbahagi ng pagkain at palakasin ang kanilang samahan.

Sinabi rin ng Palasyo na sumasalamin ang aktibidad sa layunin ng Pangulo na gawing mas accessible ang Malacañang at magkaroon ng welcoming space para sa mga Pilipino.

Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang persons with disabilities, senior citizens, public school students, supporters, vloggers at mga tauhan mula sa Office of the President (OP).

Tampok sa pagdiriwang ang mga food tent, cultural performances at iba pang aktibidad bago naglibot ang Pangulo upang personal na batiin at makasalamuha ang mga bisita.

(CHRISTIAN DALE)

67

Related posts

Leave a Comment