“MAAARI po kayong pumasok sa aming siyudad, ngunit sana paglabas ninyo, maging maayos rin po kayo.”
Ito ang mahigpit na paalala ni Manila Vice Mayor Chi Atienza sa mga raliyista na nagsasagawa ng aktibidad sa lungsod kasabay ng paggunita ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Paalala pa ng bise alkalde, ang pagrespeto sa ipinatutupad na patakaran sa lungsod
Aniya, pairalin sana ng mga nagkikilos-protesta ang kaayusan at paggalang sa lungsod kung saan pinayagan nila ang mga ito na magsagawa ng aktibidad pero dapat maayos ang lahat pagkatapos.
Sinabi ng bise alkalde na kinikilala ng Manila LGU ang karapatan ng bawat isa na magtipon at magpahayag, ngunit hiniling na panatilihing maayos ang mga aktibidad at tiyaking malinis at ligtas ang paligid.
Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na nakahanda naman ang mga kinakailangang kagamitan at tauhan sakaling dumami ang mga magsasagawa ng rally sa lungsod.
Nagpaalala rin si Vice Mayor Chi hinggil sa Anti-Baclavа Ordinance na ipinatutupad sa lungsod.
Muling paalala ng Manila LGU, patuloy nilang pinapayagan ang pagsasagawa ng mga rally at iba pang pagtitipon, basta’t gagawin ang mga ito nang maayos at naaayon sa batas.
“Bilang OIC ng ating alkalde, isa lamang po ang hinihingi namin sa mga raliyista. Maaari po kayong pumasok sa aming siyudad, ngunit sana paglabas ninyo, maging maayos rin po kayo,” pahayag pa ni VM Chi.
(JOCELYN DOMENDEN)
18 