Manila’s Best Dressed: Isang gabi ng luxury at entertainment

Si Cynthia Romero Mamon, COO ng Enchanted Kingdom, habang rumarampa sa ginanap na 29th Manila’s Best Dressed sa Manila Hotel noong Marso 26, 2025.

Nagtipon-tipon ang mga fashion elite ng Maynila para sa ika-29 na Manila’s Best Dressed awards, isang taunan at pabulosong event na ginanap sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel noong Marso 26 ng gabi.

Ang edisyong ito ay nalampasan pa ang husay ng nakaraang taon, ayon kay Stephen Young na siyang chairman ng Manila’s Best Dressed.

“The biggest difference? You’ll see all kinds of amazing music and entertainment,” ani Young sa pagharap sa press. “For the first time ever, we’re bringing back our awardees, our icons, and putting them on stage. Eighteen of our award winners will walk the runway!”

Tampok sa event hindi lamang ang mga glamorosong damit ng mga awardee kung hindi pati na rin ang mga pangako nito sa pagkakawanggawa. Ang mga kikitain sa okasyong ito ay pakikinabangan ng 1,750 pamilyang Aeta sa Floridablanca sa Pampanga, kung saan magbibigay ng mga educational scholarship at sa pagsuporta pa sa Kythe Foundation, na tumutulong sa mga batang may chronic illnesses.

Kasama ni Cynthia Romero Mamon, COO ng Enchanted Kingdom, ang chairman ng Manila’s Best Dressed na si Stephen Young.

Kabilang sa mga dumalo ay ang tinitingalang si Cynthia Romero Mamon, COO ng Enchanted Kingdom, ang world-class theme park sa bansa.

Si Mamon, na kilalang female leader at inspirasyon sa marami, ay imahe rin ng may innovative approach sa industriya ng entertainment. Isa siyang global traveler na naghahanap ng inspirasyon mula sa mga amusement park sa buong mundo, na nagdadala ng fresh ideas para sa Enchanted Kingdom.

Kabilang sa highlight sa kanyang career ang pagiging powerful woman sa IT noong 2003, kung saan pinangunahan niya ang Sun Microsystems Philippines.

Ang proseso ng pagpili ay nananatiling mahigpit para sa event. “We’re not letting just anybody become an awardee,” paliwanag ni Young. “They meet certain criteria. We honor role models who inspire others, individuals with beauty, elegance, grace, and a deep appreciation for fashion.”

Isinasaalang-alang ng pagpili sa awardee ang malalaking tagumpay sa iba’t ibang larangan, na nagbibigay-diin sa epekto sa Philippine community.

Nagpahayag si Young ng matinding pangako sa pagpapakita ng talento at kultura ng Pilipinas. “Everything here is all about the Philippines,” aniya. Nabanggit niya na madalas siyang bumiyahe sa Pilipinas at sinabing ito ang kanyang second home. Hinihikayat niya ang paggamit ng mga materyales na gawa sa Pilipinas at nakikipagtulungan sa top designers upang suportahan ang lokal na talento at isulong ang fashion practices. Sa kabila nito, binibigyan ng kalayaan ang awardees sa kanilang kagustuhan sa mga disenyo.

Ang 29th Manila’s Best Dressed ay higit pa sa isang fashion spectacle; ito ay isang pagdiriwang ng talento ng mga Pilipino, pagkakawanggawa, at ang sense ng pagiging elegante at tunay na estilo.

117

Related posts

Leave a Comment