LAST week, nagsalita na si Julia Barretto tungkol sa hiwalayang Gerald Anderson-Bea Alonzo kung saan nasangkot ang pangalan niya bilang third party diumano.
Kahit na may pinagdaraanang kontrobersya, ang ina niyang si Marjorie ay nananatiling positibo. Nag-post ito noong Lunes para magpasalamat sa Diyos para sa kanyang pamilya: “These photos pretty much sum up my whole life. My five children, my son-in-law Xavi, and my granddaughter who we are so excited to meet. Thank you, Lord, for giving us each other.”
Dagdag pa niya, “We can always draw strength from one another. We choose to feel blessed.”
